"Demand"
Ang demand ay ang dami ng produkto na handa (willing) at kayang (able) bilhin ng mamimili sa iba’t ibang halaga o presyo.
Ang demand ay tumutukoy sa relasyon sa pagitan ng presyo at dami na demanded para sa isang partikular na produkto o serbisyo sa isang partikular na pagkakataon.
Para sa bawat presyo, ang relasyon ng demand ang magsasabi ng dami na nais bilhin ng mga mamimili sa isang katugmang halaga.
Ang dami na gustong bilhin ng mga mamimili sa isang partikular na presyo ay tinatawag na quantity demand sa Ingles at dami na pangangailangan sa wikang Filipino.
Mahalagang maliwanagan mo ang pagkakaiba sa pagitan ng dami na demanded at demand.
Tinatawag itong iskedyul ng demand o demand schedule sa wikang Ingles
DEMAND SCHEDULE ay talahanayan ng dami ng handa at kayang bilhin ng mamimili sa ibat-ibang presyo
DEMAND CURVE- isang grapikong paglalarawan ng presyo ng bilihin at demand.
"Meron tayong batas demand o yung tinatawag na
LAW OF DEMAND"
Ceteris Paribus
- Kapag tumaas ang presyo, baba ang dami ng demand
- Kapag naman bumaba ang presyo, tatas ang dami ng demand
Halimbawa:
Ayon sa Balita na aking napanuod tungkol sa
Mga mamimili, nababahala sa nakaambang pagtaas sa presyo ng gatas
Bukod sa pagtaas ng presyo ng ilang pangunahing bilihin, marami ring mamimili ang nababahala sa nakaambang pagtaas ng halaga ng gatas sa susunod na buwan.
Paliwanag ng Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo, bunsod ito ng mataas na demand ng gatas sa ibang bansa tulad ng China.
“Tumaas yung world prizes ng gatas dahil ang nangyari lumakas yung demand ng China sa gatas, nakikikumpitensya tayo sa pagbili ng gatas sa abroad,” anang kalihim.
Sa darating na Hulyo 1, tataas ng halos 0.6% hanggang 8% ang posibleng madadagdag sa presyo ng evaporated, condensed at powdered milk.
Ibig sabihin, tataas ng halos tatlong piso ang halaga ng gatas sa mga pamilihan.
Kung ang dating P39.90 presyo ng condensed milk, sa susunod na buwan ay P42 na ito, habang ang evaporated milk naman na dating P36.90 ay magiging P39.00.
Samantala, ang 300 grams na powdered milk na dating P91.50 ay magiging P96.
Reklamo ng mga mamimili, magiging mabigat ito para sa kanilang budget sakaling tumaas ang presyo ng gatas.
Bukod sa gatas, tumaas din ang presyo ng kilo ng manok at baboy sa mga pamilihan.
Ang dating P140 kilo ng manok, ngayon ay nasa P145 na ang kada kilo nito. Ang liempo naman na dating P190 ang kilo, ngayon ay nasa P220 pesos na.
Ang dating P140 na kilo ng pata ngayon ay nasa P160 na.
Habang ang laman ng baboy na dating P180 ngayon ay P200 na.
Dahil sa mataas na presyo ng mga bilihim, mapipilitan ang ilangconsumer na magtipid sa pagbili ng manok at baboy sa pamilihan.